Bakit ba sa tuwing malapit ko nang tuluyang makalimutan ang nakaraan, lagi itong nagpaparamdam?
Makailan lang, ang isang masamang bahagi ng aking buhay na pilit na kalimutan ay biglang nagparamdam. Isang di kaaya-ayang komento ang ipinamahagi. Noong huling mag-usap, sinubukang intindihin ang bawat panig at kahit na napakahirap, pinatawad ang isa't isa. Akala ko'y tapos na sapagkat ilang taon na ang nakalipas at may sarili-sarili na kaming mga buhay, hindi pa pala.
Pilit na dinarasal na sana'y magkaroon ng kapayapaan ang isipan. Akala ko'y tapos na. Hindi pa pala.
Makalipas ang ilang linggo, isa na namang mapait na nakalipas ang bigla kong nakita. Noong huling nag-usap, kami'y nagkasundo na kami'y patuloy na magiging magkaibigan at kakalimutan ang nangyari limang taon nang nakalipas. Sya ang nagkasala ngunit sya ang pilit na lumayo sa hindi ko maintindihang rason. Bukas palad kong tinanggap ang kanyang pagkakamali subalit mukhang sya ay hindi parin handa na ibalik ang dating pagkakaibigan. Binigyan ng imbitasyon ang lahat ng aming mga kaibigan maliban saakin. Ano pa ba ang kahulugan nito kung hindi ang pagputol ng aming dating magandang pagkakaibigan.
Akala ko'y ayos na ang lahat. Hindi pa pala.
Nanghihinayang sa inumpisahang pagkakaibigan subalit hindi na kayang ibalik ang nakaraan. Nangyari na ang dapat mangyari at ako'y naniniwala na ang lahat ng nangyari sa ating buhay ay may kahulugan. Maaring ito'y dumaan sa ating buhay para maging mas matatag sa mga susunod na pagsubok.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment